Latest News

0
Matatawag umanong isang uri ng harassment o panggigipit ang pagtutok ng ilang mga mambabatas sa Kamara sa relasyon nina Senator Leila de Lima at dati nitong driver-bodyguard na si Ronnie Dayan sa pagdinig noong Huwebes tungkol sa kalakalan ng iligal na droga sa New Bilibid Prison.

Tinawag ni VP Leni Robreo na "irrelevant" ang ilang mga tanong hinggil sa isyu na iniimbestigahan ng House justice committee.

"May mga nadaanan akong questions na hindi ko nakikita 'yung relevance niya sa kaso," pahayag ni Vice President Leni Robredo.

"Parang napaka-unnecessary [nung ibang tanong]," giit niya sa mga mamamahayag na nag-cover sa paglunsad ng Philippine Commission on Women ng kampanya laban sa violence against women.

"Kami kasing mga public official, 'yung mga buhay namin open book naman, pero tinitingnan ko online 'yung mga klase ng questions ... parang ano ... bastos na talaga 'yung iba... Wala siyang lugar dapat sa isang institusyon na dapat nirerespeto natin," dagdag niya.

Nang tanungin kung matatawag na harassment ang ilang mga tanong, sabi ng pangalawang Pangulo: "Oo, tingin ko harassment. Parang ang nangyari talaga slut-shaming. Pambabastos talaga."

Iniimbestigahan ng Kamara ang mga alegasyong tumanggap si Sen. De Lima ng pera para sa kanyang kampanya noong nakaraang halalan mula sa mga drug lord na nakapiit na Bilibid at pati na rin sa "drug distributor" na si Kerwin Espinosa.

Si Dayan umano ang bagman ng senadora noong Justice secretary pa lamang siya na kumukuha ng pera.

Giit ni Robredo, na party-mate ni De Lima sa Liberal Party, wala sanang problema kung tinutukan ng mga mambabatas ang isyu ng iligal na droga.

Sa pagdinig na tumagal mula umaga hanggang gabi noong Huwebes, inukilkil ng mga mambabatas ang mga detalye sa pitong-taong relasyon nina Dayan at De Lima, pati na ang mga personal na bagay gaya ng dahilan ng kanilang breakup at ang umano'y "intensity" ng kanilang pagmamahalan.

Ibinunyag din ang contact number at ang ilang mensahe ng senadora sa hearing na naka-ere sa telebisyon.

Sa pagdinig, sinabi ni Dayan na nakatanggap umano siya ng pera mula kay Kerwin Espinosa para kay De Lima. Sinabi rin niyang pinayuhan siya ng senadora na magtago muna at huwag pansinin ang subpoena ng House of Representatives.

ADVERTISEMENT






SPONSOR





Source: gmanetwork

Share this story!

Visit and follow our website: Duterte News Global

© Duterte News Global

Share to Facebook Share to Twitter

Post a Comment

Emoticon
:) :)) ;(( :-) =)) ;( ;-( :d :-d @-) :p :o :>) (o) [-( :-? (p) :-s (m) 8-) :-t :-b b-( :-# =p~ $-) (b) (f) x-) (k) (h) (c) cheer
Click to see the code!
To insert emoticon you must added at least one space before the code.

 
Top