Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang tumapos sa palaisipan kung sino ang "mataas na opisyal" sa Malacañang ang kumausap kay Philippine National Police Chief Ronald "Bato" Dela Rosa para ibalik sa posisyon ang kontrobersiyal na hepe ng Criminal Investigation and Detection Group-Region 8 na si Superintendent Marvin Marcos.
Ginawa ni Duterte ang pag-amin ilang araw matapos sabihin ni Dela Rosa na ibinalik niya sa posisyon si Marcos matapos siyang makatanggap ng tawag mula umano sa isang mataas na opisyal.
Dahil hindi binanggit ni Dela Rosa kung sino ang mataas na opisyal na kumausap sa kaniya, nanawagan ang ilang mambabatas--pati na si Vice President Leni Robredo-- na dapat itong pangalan ng hepe ng pulisya.
Si Senador Leila De Lima, tinukoy si Special Assistant to the President Sec. Christopher "Bong" Go, na siyang kumausap kay Dela Rosa, batay umano sa impormasyong ibinigay sa kaniya ng source sa PNP.
Itinanggi naman nina Go, Dela Rosa, at Duterte ang naturang alegasyon ni De Lima.
Huwag Tanggalin
Sa kaniyang talumpati sa graduation rites ng PNP-Highway Patrol Group's motorcycle riders nitong Biyernes, ipinaliwanag ni Duterte ang dahilan kung bakit nais niyang manatili sa posisyon si Marcos.
"I'd like to make it public. Kaya sabi ko as it is kayo diyan. Doon ko nalaman na si Dolina [Chief Supt. Asher Dolina] malinis. Si Marcos, may tama. Kaya huwag mong galawin kasi gusto kong tingnan," saad ni Duterte patungkol kina Marcos at Dolina, na kapwa idinawit ng umano'y drug lord na si Kerwin Espinosa sa isyu ng droga.
"Kung biglain mo, eh napuputol ang nagbi-build up ng kaso. Alam na natin na before Espinosa na wala siya sa unang listahan," dagdag ng pangulo.
Sinabi ng pangulo na desisyon pa rin umano ni Dela Rosa na ibalik si Marcos sa puwesto.
"Whether or not you retain them, it does not really matter. Prerogative ni Bato iyan eh. Kahit na sabihin mo na kriminal iyan. Teka muna. Let the law take its own..." ayon pa sa pangulo.
"Huwag n'yong tanggalin... Nagpo-program pa kami dito kung totoo o hindi," patuloy niya.
Dagdag ni Duterte; "Second, low morale ang tao. Ang ibang pulis, hindi nila nalaman na we're doing the investigative work. Doing that, it will create a ripple in the entire country. Hindi ko masabi na relax lang kayo. We were really building the case."
Una rito, itinanggi ni Dela Rosa na si Duterte ang tumawag sa kaniya dahil "ninong" niya ito, habang inilarawan niya bilang "kumpare" ang kumausap sa kaniya.
Nangyari ang pagbabalik kay Marcos sa posisyon bago pa mapaslang sa loob ng kulungan noong nakaraang buwan si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa, na ama ni Kerwin.
Nadadawit din si Marcos sa pagkamatay ng alkalde dahil mga tauhan nito ang nagsilbi ng search warrant sa nakatatandang Espinosa kahit nasa loob na ng kulungan.
Binaril ang alkalde dahil nanlaban umano ito.

Source: gmanetwork
Share this story!
Visit and follow our website: Duterte News Global
© Duterte News Global
Post a Comment