0
Hindi tatanggapin ni Sen. Dick Gordon ang naging mosyon ni Sen. Antonio Trillanes IV na imbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee ang mga kaso ng extra judicial killings na kinasasangkutan ng Davao Death Squad na iniuugnay niya kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Gordon, chairman ng komite na hindi niya nagustuhan ang pagtawag ni Trillanes kay Duterte bilang isang mass murderer o mamamatay tao.

ADVERTISEMENT





Hindi pa man umano nagsisimula ang imbestigasyon ay kung anu-anong mga salita na ang kanyang pinakakawalan laban sa pangulo.

Ayon kay Gordon, ang mga pananalita ni Trillanes ay nakalaan lamang sa mga tulad ni Hitler, Stalin at Pol Pot na mga kilalang sangkot sa karahasan at genocide.

Pinayuhan rin ng pinuno ng Blue Ribbon Committee si Trillanes na iwasan ang pag-aabogado kay Edgar Matobato dahil ang pinaka-mahusay na pahayag ay iyung nagmumula mismo sa isang saksi.

Magugunitang isinangkot ni Matobato si Duterte sa mga kaso ng pagpatay na kinasasangkutan ng Davao Death Squad umano’y pinamumunuan ng pangulo.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni Senate Majority Leader Tito Sotto na hindi nila pwedeng imbestigahan si Duterte.

SPONSOR





Ipinaliwanag ni Sotto na pinuno rin ng Committee on Rules na tanging impeachment lamang ang siyang pwedeng maging paraan para maimbestigahan ang mga akusasyon laban sa pangulo.

Ang impeachment complaint ay inihahain sa Kamara.

Source: globalnews.favradiofm.com

Share this story!

Visit and follow our website: Duterte News Global

© Duterte News Global

Share to Facebook Share to Twitter

Post a Comment

 
Top