0
Karamihan ng mga kababayan natin ngayon ay naghahangad ng katotohanan.

Nais nila na mamuhay nang disente sa isang disenteng lipunan. Tignan po natin ang mga isyu na humaharap sa ating ngayon, ang korapsyon ni VP Binay, hindi niya mapaliwanag ang bilyon-bilyong piso na dumaan sa kanyang mga accounts.

At ngayon, ang korapsyon ni Mayor Duterte, hindi niya maipaliwanag at ayaw niyang harapin ang katotohanan sa milyon-milyong piso na dumaan din sa kanyang mga accounts. Why do we still have to talk about honesty when we are talking about leaders?

Di ba dapat, given ito? Di ba dapat, nandiyan na agad ‘yan ‘pag pinag-uusapan natin ang ating mga leaders? Hindi nagtatago. Hindi nag-o-obfuscate. Hindi niloloko ang mga kababayan natin? Di ba dapat automatic na ang isang pinuno ang kanyang honesty at ang kanyang transparency?

Lagi nating itinuturo sa ating mga anak ang pagiging tapat, na hindi magsinungaling, na ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw. Kabahagi ito ng ating core values bilang mga Pilipino. ‘Yan ang values natin. ‘Yan ang dapat na pinapahalagahan natin.

At ito ang totoo, kaduwagan ang ginawa ni Mayor Duterte sa araw na ito. Mayor Duterte, bakit ayaw mong harapin ang katotohanan? Bakit itinatago mo ang katotohanan?

Tignan natin ang agwat mula sa kanyang salita tungo sa kanyang gawa. Nang nagsimula itong kampanya, sa simula ng debate, pumirma si Mayor Duterte ng isang waiver sa kanyang mga bank accounts. Sabi niya, para mapatunayan ang sinseridad ng mga kandidato, hinamon niya lahat ng kandidato na pumirma din ng deklarasyon sa waiver.

Siya at ang kanyang running mate, Senator Alan Cayetano ang nauna nang pumirma doon sa waiver. ‘Yun ang kanilang salita. ‘Yun ang kanilang propaganda. ‘Yun ang kanilang pakitang-tao.

Tignan naman natin ngayon kung ano ang katotohanan sa kanilang gawa. Ngayon, doon sa bangko, wala, sinarhan nila ang proseso para malaman ang katotohanan. Kung ano-anong mga legalidad, mga “legalan” ang ginagamit para hadlangan ang pagtuklas ng katotohanan.

Sabi ng isang tumatakbo, "If the candidates have nothing to hide, they’ll have no problem signing the waiver document. But if they refuse to sign, they not only betrayed their sincerity in fighting corruption, but also puts to serious question how much they have accumulated and the source of their wealth." Alam n’yo po kung sinong nagsabi no'n?

Ang kanyang sariling runningmate, Senator Alan Peter Cayetano. Sariling running mate na niya ang nagsabi no'n. Kaya napakalaki po ng agwat, sa salita, sa pakitang-tao, sa propaganda kumpara doon sa konkretong ginagawa nila. Obviously, Mayor Duterte, you have something to hide. Ano bang itinatago mo?

Naghamon ka noon, dapat hayag, dapat ipakita ang buong katotohanan. Everyone should sign a waiver. Ngayon, kung kailan sinusubukan ang katatagan ng iyong salita, umiiwas ka, umaatras ka, kung ano-anong mga legalan ang ihahain mo. Hindi ba ang “legalan”, ‘yan ang ginagamit ng mga may itinatago? Legalan ang ginawa, ginamit ni Vice President Binay.

Sabi niya, “Kasuhan mo kami.” Eh di ba ‘yan ngayon ang sinasabi mo din? Lahat! Word for word na sinasabi dati ni Vice President Binay, word for word kung paano itinago ang kanyang mga katiwalian at pagnanakaw—ngayon, ikaw mismo ang nagsasabi, word for word, “Kasuhan ninyo kami.”

Dagdag pa doon, legalan: “ano, saan n’yo nakuha ang impormasyon?” Tinupad ni Senator Trillanes lahat ng kondisyon mo, ngayon ikaw ang umaatras.

You can run, Mayor Duterte, but you cannot hide from the truth. You can use all the legal maneuverings to sidestep the issue, pero lalabas at lalabas ang katotohanan. At ang sambayanang Pilipino, hindi gusto ng sinungaling, hindi gusto ang magnanakaw. The people deserve real leadership.

Hindi ‘yung leadership na salita lamang. Hindi ‘yung matapang sa salita lamang. Hindi ‘yung pakitang-tao lamang, pero nasa gawa. Ano ang ginawa mo Mayor Duterte? Zero. Sa kabila ng matatapang mong pananalita, sa anti-corruption, sa transparency, sa anti-graft, ‘pag tinignan natin ang sinabi mo kumpara doon sa ginawa mo, makikita na ang ginawa mo ay zero.

Ang ginawa mo ay paghahadlang, pagbobloke ng paghanap ng katotohanan. Our people deserve better. Maraming salamat. Magandang hapon sa inyong lahat. [LP Headquarters, Lungsod Quezon, ika-2 ng Mayo 2016]

ADVERTISEMENT






SPONSOR





Source: #

Share this story!

Visit and follow our website: Duterte News Global

© Duterte News Global

Share to Facebook Share to Twitter

Post a Comment

 
Top