MANILA - Mahigit 200 bagong talagang opisyal ng pamahalaan ang nanumpa sa pwesto sa isang oath-taking ceremony Lunes sa Rizal Hall sa Malacañang.
Kabilang sa mga nanumpa sina Mocha Uson bilang miyembro ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), Light Rail Transit Authority (LRTA) administrator Reynaldo Berroya, at Cesar Montano bilang chief operating officer ng Tourism Promotions Board.
Kasama rin sa mga bagong talagang MTRCB member sina Bibeth Orteza, dating MTRCB chair Maria Consoliza Laguardia at Atty. Alexis Lumbatan, na nakilala sa kanyang pagpapatawa nang nanumpa si Pangulong Rodrigo Duterte.
Apela ng pangulo sa mga opisyal, maging tapat at mabilis sa serbisyo at huwag pahirapan ang taumbayan, na hinihikayat ireklamo ang mga tiwali.
"I will be harsh this time kasi new year na. That's why I opened the 8888 and I will tell the nation name the public official, narrate in 3 sentences kung ano ang kasalanan niya and I will take over. Yang graft na yan, wala talaga akong pasensya dyan," ani Duterte.
Muling nagbabala si Duterte sa mga sangkot sa droga, kabilang ang mga mayor na nasa listahan niya.
"For as long as I am president, itong malalaking shabu dealers, mamamatay talaga ito. Ang the next batch would really be tatawagin ko yun mga mayors, i-lock ko, kami kami lang. Sabihin ko talaga… ganun kakapal yung pinakita ko sa inyo e. Hanapin mo yung pangalan mo dyan mayor, tang ina kung andyan yun pangalan mo, talagang papatayin kita, either you resign, or make a... and we talk," dagdag ng pangulo.
Iginiit niya na wala siyang iniutos na ipapatay pero nananatili ang utos niya sa mga pulis.
"Go out and hunt for them. Arrest them if it is still possible, if not then if it presents danger to you, puts up a violent resistance, jeopardizing your life, shoot. That has always been my order. Magtanong ka ng isang pulis dito kung sinabi ako na patayin mo si De Lima o patayin mo si ano, I never ordered. Remember that I declared war I did not declare any just police punitive action, far from it."
Ayon kay Duterte, may isang paraan para matigil ang mga kaso ng pagpatay.
"Kung pumasok pa sila dyan naghahanap talaga sila ng kamatayan. Tapos itong mga human rights, do you want killings stopped immediately tomorrow? puntahan mo yan sila. Just drop the shabu. Turn your back and walk away from the shabu industry and tomorrow it will be heavenly peace, wala nang mamamatay dyan," aniya.
Ayon sa pangulo, problema din ang terorismo sa harap ng banta ng ISIS, at pagkakasangkot din ng mga terorista sa droga.

Source: news.abs-cbn
Share this story!
Visit and follow our website: Duterte News Global
© Duterte News Global
Post a Comment