Itinuturing ni Senador Leila de Lima na banta sa kaniyang kaligtasan ang ginawang pagbanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang pangalan nang magtalumpati ang huli kaugnay sa patuloy na kampanya ng pamahalaan laban sa umano'y mga "narcopolitician."
Nitong Martes, sinabi ni De Lima na dapat ikonsiderang “number one suspect” si Duterte kapag may nangyaring masama sa kaniya.
“Kung may mangyari sa 'kin, sino ang number one suspect? 'Di ba siya? And I’m making him responsible if something happens to me,” giit ng senadora.
“If something happens to me, he is the one responsible, directly or indirectly dahil paulit-ulit nila akong dini-demonize,” patuloy niya.
Ayon kay De Lima, itinuturing niyang “veiled threat” ang ginawang pagbanggit ni Duterte sa kaniyang pangalan nang talumpati ang punong ehekutibo sa harap ng mga bagong talagang opisyal na ginawa sa MalacaƱang nitong Lunes.
Sa naturang talumpati, sinabi ni Duterte na: “Magtanong ka ng isang pulis dito kung may sinabi ako na patayin mo ‘yang si De Lima o patayin mo ‘yang si ano... I never ordered. Ang sinabi ko lang… Remember that I declared war. I did not declare any just police punitive action. No, no, far from it.”
Ang naturang pahayag ni Duterte ay kaugnay sa mga alegasyon na may kinalaman siya sa mga nangyayaring patayan kaugnay sa kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga.
Pero ayon kay De Lima, “To me, this is doubly disturbing to me. I take it as a veiled threat. Why all of a sudden babanggitin ako tungkol sa patayan?…Is that a subconscious slip, a sort of a Freudian slip?”
“Alam ko naman 'yan, na I’m always on top of his mind. 'Pag sinabi niya yung droga, you can be sure na ako yung isusunod niya. But this is the first time na nagbabanggit siya about patay,” patuloy niya.
Sinabi rin ng senadora na patuloy siyang nakatatanggap ng pagbabanta mula sa “haters” at “trolls” mula nang masiwalat sa congressional hearing ang numero ng kaniyang telepono.
Kasabay nito, sinabi ni De Lima na ikinukonsidera niya na maghain ng petition for writ of amparo sa Korte Suprema sa susunod na linggo laban kina Duterte, Justice Secretary Vitaliano Aguirre II at Solicitor General Jose Calida.
Ayon kay De Lima, bunga umano ito ng mga kontrobersiyal na pahayag na sinabi sa kaniyang ng mga nabanggit na opisyal na nagiging banta rin sa kaniyang kaligtasan.
“To tell them to stop issuing statements that can incite people whether their own allies or supporters or other elements to do harm to me,” patungkol ni De Lima sa writ of amparo.
“[Calling me a] leading narcopolitician and Public Enemy No. 1 makes me already a fair game for sinister things. Maaring hindi mismo sa grupo nila but sa iba yung mga fanatics, yung mga grupong out to destabilize the government, to embarrass the President,” dagdag niya.

Source: gmanetwork
Share this story!
Visit and follow our website: Duterte News Global
© Duterte News Global
Post a Comment