0
Halos hindi pa makapagsalita ang isang 12-anyos na dalagita na biktima ng pang-aabuso sa Zamboanga Sibugay. Ang suspek, umamin umano na dating gumagamit ng iligal na droga at napadaan lang daw sa lugar ng biktima.

Sa ulat ni Mav Gonzales sa GMA News TV's "Balitanghali" nitong Huwebes, sinabing lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na naiwan sa kanilang bahay sa Titay, Zamboanga Sibugay, ang biktima at mas bata nitong kapatid.

Nang mapadaan umano sa kanilang bahay ang suspek na si Richard Dialogo, nalaman nito na walang kasama ang magkapatid na natutulog nang sandaling iyon.

Ginising umano ng suspek ang dalagita at sinabihan sumama sa kaniya para puntahan ang nabugbog niyang ama.

Nakumbinsi naman ang biktima at sumama sa suspek at doon na umano nangyari ang pang-aabuso.

Kaagad namang naaresto ang suspek na sinasabing umamin sa nagawang krimen. Hindi rin umano itinanggi ng lalaki na dati siyang gumagamit ng droga.

Nakulong na ang suspek at nahaharap sa reklamong pang-aabuso sa dalagita.

ADVERTISEMENT






SPONSOR





Source: gmanetwork

Share this story!

Visit and follow our website: Duterte News Global

© Duterte News Global

Share to Facebook Share to Twitter

Post a Comment

 
Top