Idineklara ni Senador Leila de Lima nitong Miyerkules na walang makapipilit sa kaniya na magbitiw sa puwesto sa harap ng mga alegasyon na tumanggap siya ng pera sa kalakaran ng iligal na droga, at pag-amin sa naging romantikong relasyon nila noon ng dating driver-bodyguard.
“Desisyon ko ‘yon. Walang pwedeng pumilit sa’kin doon,” giit ni De Lima sa panayam ng mga mamamahayag.
Una rito, sinabi ni Chief presidential legal counsel Salvador Panelo na dapat nang magbitiw si De Lima matapos nitong aminin ang pakikipagrelasyon sa kaniyang dating driver-bodyguard na si Ronnie Dayan.
Ani Panelo, "De Lima committed unlawful and immoral acts and opens her to a criminal charge of adultery, her lover being a married man.”
Sa nakaraang mga pagdinig sa Kamara de Representantes, inakusahan ng ilang testigo na nagsilbing "bag man" umano ni De Lima si Dayan para kumolekta ng pera mula sa drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).
Nangyari raw ito noong kalihim pa ng Department of Justice si De Lima, at ginamit umano ang nakolektang pera sa kampanya nito sa pagtakbong senador.
Dati nang itinanggi ni De Lima ang mga paratang at iginiit na ginigipit lang siya ng pamahalaan.
“Sila dapat ang mag-resign sa ginagawa nila eh. Wala silang mga qualms about doing all these to me na ginagamit nila ‘yung buong machinery, resources ng Executive Department and as I said, sa 'kin sila nakatuon,” ayon sa senadora.
“Anong klaseng standards 'yan? Anong klaseng mindset 'yan na since ‘yun ang gusto ng Pangulo, ginagawa din nila ang lahat ng pamimilit, pag-coerce at pag-blackmail ng mga witnesses?” dagdag niya.
Iminungkahi naman ni Buhay party-list Rep. Jose "Lito" Atienza Jr. kay De Lima na tanungin ang netizens para mapulsuhan nito kung nais ng publiko na magbitiw siya sa puwesto kasunod ng pag-amin sa romantikong relasyon kay Dayan.
"Kung may sensitivity siya sa public opinion. Magtanong siya. Alamin niya ano ang damdamin ng bayan dahil wala pa namang judgement," anang kongresista.
"She should ask. Madali lang iyan. Mag-post siya sa Internet. Tanungin mo ang mga tao: 'Magre-resign ba ako o hindi?'" dagdag niya.
Gayunman, naniniwala si Atienza na "98 percent" ng netizens ang nanaisin na magbitiw umano si De Lima.

Read also: De Lima admits affair with ex-driver
Source: gmanetwork
Share this story!
Visit and follow our website: Duterte News Global
© Duterte News Global
Post a Comment