0
Ka Tonying : Be Like A Real President.Act like A President!

Just in! ABS-CBN Journalist and well known Iglesia ni Kristo believer Anthony Tiberna disclaims the viral post against Duterte posted by a fake account under his name.In his official account,Ka Tonying said that he voted Duterte for President last May 2016.

He acknowledged his government's achievements yet not like Dutertetard he isnt blind not to see the inappropriate moves of the President especially his verbal manners. Accordingly, a president should act as a president not a Brgy. captain or a goon. He is hoping that Office of President should also learn how to accept and listen constructive cristicism. Ka Tonying also emphasize in his post that he and millions of Filipinos have the right to criticize Duterte...not only the Yellow supporters or the other previous officials under PNoy government

Hindi ako magsasawang sabihin - isa lamang po ang facebook account ko ( profile photo ay kaming mag-asawa), isang fan page ( ang cover photo ay kaming mag-anak na may halos 500k likes ), isang instagram account ( iamtunying28 na may 140k followers) at isang twitter account ( @tunyings_kaindo).

ADVERTISEMENT





Sa Anumang account sa fb, ig o twitter na hindi tugma sa mga nabanggit ay wala po akong kinalaman, hindi sa akin at wag po sanang palaganapin dahil nilalagay po nito sa aking bibig ang mga salita at opinyon na hindi ko naman binigkas. Ang ehemplo po ay ang account na ito na ang larawan ay patungkol sa Davao City at may pangalang Anthony "Tunying" Taberna. Ginagamit po ito na pang-propaganda ng ilang supporters ni Pangulong Duterte. Hindi po ito sa akin.

Hindi ko po ikahihiya na ibinoto ko si Presidente Duterte subalit kailanman ay hindi ako magiging apologist para sa kaniya. May mga programa at polisiya ang Pangulo na sang-ayon ako at madami Naman na siyang nagawa sa maikling panahon pa lamang subalit may mga sinasabi siya at ginagawa na hindi ako basta na lamang o-OO. Hindi po ako bulag na tagasunod ni Pangulong Duterte.

una at madalas ay binabatikos ko ang walang puknat niyang pagmumura dahil Pangulo na siya. Hindi siya barangay chairman at lalong Hindi siya sanggano. Hindi bagay sa kaniyang estado na mas madalas makipagbasag-ulo. Ako at ang iba pang bumoto kay Duterte ang higit na may karapatang pumuna sa kaniya, hindi ang mga DILAWAN, hindi ang mga dating opisyal na nawala na sa kapangyarihan, hindi ang mga mula't-mula pa ay suklam na sa kaniya dahil may manok silang iba. Talunan nga lamang. 🙏
Sana, alang-alang sa bansa, sa mamamayan at sa Tanggapan na kaniyang kinakatawan ( Office of the President) ay makinig ang Pangulo sa mga constructive na pagbatikos dahil kami na bumoto sa kaniya ang unang naghahangad na magtagumpay siya sa mabuting adhikain para sa bansa. Wag isipin na ang pumupuna ay kaaway. Kami ay tagapagpaalala. Ang kabiguan niya ay kabiguan ng mga umasa at patuloy na umaasa ng tunay ng tunay na pagbabago!

SPONSOR





Source: ph-newsportal

Share this story!

Visit and follow our website: Duterte News Global

© Duterte News Global

Share to Facebook Share to Twitter

Post a Comment

 
Top