SINABI ng isang opisyal ng Simbahang Katoliko na mas masahol pa sa martial law ang ginagawang pagpatay ng mga pinaghihinalaang pusher at user sa harap ng kampanya ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra iligal na droga.
Sa isang panayam ng Radyo Veritas, sinabi ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani na nasanay na ang mga Pinoy sa mga ginagawang mga pagpatay mula nang maupo si Duterte.
Sa isang panayam ng Radyo Veritas, sinabi ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani na nasanay na ang mga Pinoy sa mga ginagawang mga pagpatay mula nang maupo si Duterte.
“Kunwari dati ang bati natin ay ‘Mabuhay,’ baka ngayon sa Pilipinas ang ating pagbati ay ‘Mamatay,’ baka ‘yun ang gustong maging bagong pagbati ng mga Pilipino. Sapagkat masyado ng laganap na ever since ng Second World War and ever since martial law palagay ko ay hindi nagkaroon ng ganito karaming pagpatay na nagaganap sa Pilipinas during the time of peace at hindi during war time,” sabi ni Bacani.
Idinagdag ni Bacani na dapat makonsensya ang mga otoridad at mga indibiduwal na sangkot sa mga pagpatay ng mga suspek sa droga.
“Masyado [nang] napapansin ng mundo hindi lang dapat tayo ang unang pumansin niyan pero nakakalungkot ang mundo mismo ang nagsasabi, ang United Nations… Harinawa ay makonsensya ang mga gumagawa niyan kung sino man sila, makonsensya,” ayon pa kay Bacani.

Source: filipinoinfo
Share this story!
Visit and follow our website: Duterte News Global
© Duterte News Global
Post a Comment