Matatandaang naunang tumanggi ang actor-turned-politician na si Ormoc City Mayor Richard Gomez na magbigay ng reaksiyon tungkol sa pagdadawit sa kaniya bilang protektor umano ng mga "Espinosa," na isinasangkot sa kalakaran ng iligal na droga sa Eastern Visayas.
Aniya, isang kalokohan umano ang mga lumalabas na ulat na sangkot siya sa “Espinosa drug group.”
“That is ridiculous and outright laughable. I will not dignify that with an answer. Huwag nila akong isama sa circus nila,” ayon kay Richard sa naunang pahayag.
Gayunpaman, nitong Huwebes, naglabas siya ng isang opisyal na pahayag sa pamamagitang ng isang Facebook post.
Sinabi ng alkalde sa naturang pahayag na hindi na bago sa kaniya ang masangkot sa iba't ibang kontrobersiya dahil napagdaanan na niya ito sa loob ng higit sa tatlong dekada niya sa industriya ng showbiz.
Sa kabila nito, ikinagulat raw niya ang pagkakadawit ng kaniyang pangalan sa isang isyu patungkol sa iligal na droga dahil maliban sa hindi pa ito kailanman nangyayari sa kaniya, noon pa man daw ay itinuturing niya na ang sarili bilang isang anti-drug advocate.

Ayon kay Richard, “I initially did not want to dignify this with an answer but given that this is politically-motivated and very malicious, I am speaking up... I spearheaded a massive anti-drug campaign back in the '90s, way before it became a fad, before most everyone wanted to join the bandwagon.”
“In fact, I ran on a very strong anti-drug platform, which the constituency resonated with, and which got me elected as Mayor of Ormoc City, a place so infected by drugs for many years. I also openly supported President Rodrigo Roa Duterte during the 2016 elections precisely because of his strong and serious stance on drugs,” dagdag pa niya.
Isa raw sa mga pangunahing dahilan ng pagtalikod niya sa showbiz at pagpasok sa politika ay ang kagutushang masugpo ang iligal na droga sa kaniyang siyudad at sa buong bansa.
Nakiusap muli si Richard na huwag nang idawit ang kaniyang pangalan sa isyu, at hinimok niya ang mga mambabatas na maging mas mapanuri sa kanilang imbestigasyon.
Aniya, “Do not drag me into this circus, I was never part of it. I will never be part of it. I urge the legislators to dig deeper into this. Someone is trying to muddle the issue.”
Kaugnay ng hinaharap ng kontrabersiya, nagsampa na ng kaso ang alkalade laban kay Major Jovie Espenido, na matagal na umanong sinusubukang sirain ang kaniyang pangalan.
“I have asked my lawyers to file a case against Major Jovie Espenido, a cop beholden to my political opponents, who has attempted many times to besmirch my name. It is unfortunate that he was assigned to Albuera, Leyte, giving him control over the late Mayor Espinosa, whom I am sure he prevailed upon to impute my character and those of other equally innocent officials,” dagdag ni Richard.

Una rito, inihayag ni Chief Inspector Leo Laraga ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 8, sa pagdinig ng Senado nitong Huwebes, na ilang politiko na nagbibigay ng proteksyon umano sa illegal drug trade ng mag-amang Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa at anak nitong si Kerwin.
Si Mayor Espinosa ay napatay ng grupo ni Laraga sa loob ng Baybay City Jail noong November 5 nang isisilbi ang search warrant.
Ang naturang insidente ang pakay ng joint investigation ng Senate committees on Public Order and Dangerous Drugs at Justice and Human Rights dahil sa hinala na sadyang pinatay ang alkalde.
Ayon kay Laraga, nabanggit umano ni Espinosa noong nabubuhay pa ang mga personalidad na nagbibigay ng proteksyon sa operasyon ng kaniyang anak na si Kerwin, na nadakip kamakailan sa Abu Dhabi.
“Nabanggit na rin ito ni late Mayor Espinosa regarding doon sa mga pulitiko na involved and at the same time, yung mga nasa PNP [Philippine National Police], anang opisyal.
“Yung sa Baybay City is involved. Yung vice mayor ng Baybay City, allegedly yung governor ng Leyte, the mayor of Ormoc City, and the congressman of the third district of Leyte,” dagdag niya.
Kabilang sa mga tinukoy ng politiko ni Laraga ay sina Baybay Vice Mayor Mike Cari, Rep. Vicente Veloso, Leyte Governor Leopoldo Petilla, at si Richard, na kakahalal lang bilang alkalde ng Ormoc nitong nagdaang halalan.

Sa naunang pahayag, itinanggi rin ng misis ni Richard na si Leyte 4th District Rep. Lucy Torres-Gomez ang alegasyon laban sa kaniyang mister at sa kapatid na si Matthew, na isang board member sa lalawigan.
“Offensive, baseless, and untrue,” saad sa ipinadalang text message ni Lucy sa PEP.ph nitong Huwebes.

Source: gmanetwork
Share this story!
Visit and follow our website: Duterte News Global
© Duterte News Global
Post a Comment