Sa isang press conference, nabanggit nito na "sana hindi na lang ako nanalo" sa pagka-senadora para hindi na siya pinag-iinitan ngayon.
Sa nasabing conference, tinalakay ni De Lima ang mga bagong kaganapan tulad ng pahingi ng tawad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 3 taong naisama sa drug matrix kung saan sangkot umano ito sa illegal drugs sa loob ng New Bilibid Prison.
Nabanggit din ni De Lima ang nangyaring riot sa bilibid kung saan napatay ang isang inmate na si Peter co, isang convicted drug lord at ang ibang high-profile inmates naman na sina Jaybee Sebastian, Peter Co at Vicente Sy ay sugatan.
Nabanggit din ni De Lima ang nangyaring riot sa bilibid kung saan napatay ang isang inmate na si Peter co, isang convicted drug lord at ang ibang high-profile inmates naman na sina Jaybee Sebastian, Peter Co at Vicente Sy ay sugatan.
Si De Lima umano ang nasa likod ng nangyaring riot, ngunit magiit na itinanggi ito ng Senadora.
Sa question and answer portion ng press conference, isang reporter ang nagtanong kay De Lima kung nagsisisi ba ito sa pagtakbo bilang senadora, na sinagot naman niya nang ganito:
“Nice question. May nagtanong na rin sa akin niyan. Sabi ko nga, on one hand, hindi naman sa nagsisisi, pero I was just telling myself sana hindi na lang ako nanalo para hindi na ako pinag-initan. Kaya lang naman ako pinag-initan muli, dati nang mainit talaga sa akin, lalong naging mainit nung I initiated the probe, the inquiry into the extrajudicial killings. So on one hand, sana hindi na lang ako nanalo para hindi ako pinagdidiskitahan ngayon. On the other hand, eh trabaho ito, mandato ng bayan na may gagawin akong trabaho.”
Source: www.newsinfolearn.com
Share this story!
Visit and follow our website: Duterte News Global
© Duterte News Global
Post a Comment