Sinabi ni Vice President Leni Robredo nitong Miyerkules na "a matter of national interest" ang lagay ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ang dalawang militanteng kongresista, iginiit na dapat isapubliko ng Malacañang ang tunay na lagay ng kalusugan ng Punong Ehekutibo.
"Tingin ko matter of national interest na malaman natin kung ano ang pinagdadaanan niya," saad ng pangalawang pangulo nang makapanayam sa dinaluhang pagtitipon sa Quezon City.
Gayunman, hangad ni Robredo na manatiling malakas ang pangangatawan ng pangulo na siyang may mandato umano ng bayan na pamunuan ang bansa.
"Tayo wini-wish din natin na kung ano ang nararamdaman ng ating Pangulo, malampasan niya. Siya yung ating hinalal na mamuno sa atin, kailangan malakas ang Pangulo natin," pahayag niya.
Sa isang pagtitipon sa Malacañang kamakailan, inamin ni Duterte na may mga sakit siya pero hindi cancer.
Samantala, sinabi naman ni Presidential spokesman Ernesto Abella na bahagi ng edad o "part of wear and tear" ang mga nararamdaman mga sakit sa katawan ng 71-anyos na pangulo.
"Medical bulletin"
Hiniling sa Malacañang nina Bayan Muna Rep. Carlo Isagani Zarate at Anakpawis Rep. Ariel Casilao, ng Makabayan bloc, na isapubliko ang tunay na kalagayan ng kalusugan ni Duterte.
"Mas makabubuti kung maglalabas ng medical bulletin ang Pangulo. Hindi naman niya mamasamain ito," ani Zarate.
"Let us be assured kung anuman ang magiging status ng kalusugan ay malalaman directly from the president," dagdag naman ni Casilao."Let us be guaranteed that he is able (and that) he is very fit to continue with his work."

Source: gmanetwork
Share this story!
Visit and follow our website: Duterte News Global
© Duterte News Global
Post a Comment